Examinare Food Evaluator

Ang Examinare Food Evaluator ay tutulong sa mga restaurant at iba pang mga establishment na malaman agad ang mga nais ng mga customer at para mabigyan ng mas magandang serbisyo.

Sa Food Evaluator, makokontrol ng mga managers ang customer satisfaction at ang kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng iyong mga empleyado.

Ang aming mga customer ay kabilang sa Restaurants, Cafes, Pizzerias, Pubs, Bars at iba pang uri ng food establishments.

Sukatin ang mga pag-uugali ng mga empleyado at antas ng serbisyo sa lahat ng aspeto.
Subaybayan kung paano magtrabaho ang iyong mga empleyado mula sa mga pananaw at feedback ng customer, at kung meron man mga bagay na hindi pagkakaintindihan ay agad itong mareresolba sa maayos na paraan, suriin din kung paano sinusunod ang mga patakaran batay sa layunin na sinusunod ng kumpanya. Madaling maintindihan at komprehensibo ang mga serbisyo na ibibigay namin para maipakita kung ano pa ang mga bagay na pwedeng idagdag na training sa iyong mga empleyado.
Tingnan ang mga pananaw ng mga customer sa iyong food establishment.
Ang pakikinig sa mga opinyon ng customer ay makabubuo ng mas malapit at matibay na relasyon sa pagitan mo at ng iyong mga customer, at ito ay magtataas ng kalidad na pamantayan sa iyong negosyo. Ibabatay mo ang iyong mga diskarte sa pag-unlad ayon sa mga ninanais na serbisyo ng iyong mga customer, hindi dahil yun ang ginagawa ng kalaban. Panatilihin ang mga pananaw at feedback sa loob ng iyong organisasyon at siguradong ikaw ay mangunguna sa market field.
Kunin ang iyong survey batay sa inihanda ng mga propesyonal sa industriya.
Upang ikaw ay makatanggap ng mas malawak at mabisang paraan sa pagtataguyod ng iyong negosyo, kami ay nagbibigay ng ekspertong serbisyo. Ang aming mga eksperto ay gagawa ng indibidwal na survey batay sa kasalukuyang sitwasyon at layunin ng iyong kumpanya, tutulong ito sa pag-aayos at pagtatama ng response gathering method, pagsetup ng mensahe ng imbitasyon, pagpapa-alala at pagtatama ng mga interpretasyon ng mga nasuring resulta.

Mga Pangunahing Dahilan upang gumamit ng Food Evaluator:


Seguridad

Kami ay bumuo ng Food Evaluator sa loob ng Examinare framework, na gumagana ayon sa mas mataas na security standard sa loob ng mahigit isang dekada na.

Ang pagho-host ay ginagawa unang una sa mga server ng Europe, ngunit mayroon itong posibilidad na magstore ng data sa USA, Russia o sa Singapore/Asia.

GDPR Compatible

Sa lahat ng aming mga bagong customer, kami ay magsa-sign ng Personal Data Assistant Agreement.

Kaugnay na yon, lahat ng mga impormasyon, na nasa sa loob ng iyong Food Evaluator account ay mahigpit na pinangangasiwaan at iniingatan na naaayon sa alituntunin ng GDPR.

Nagtataglay ng Maraming Wika

Ang Food Evaluator ay mayroon nang hawak na mahigit sa 35 na wika at ito ay maaari pang madagdagan depende sa request ng aming mga customers. Ang pagsend ng mga survey na naaayon sa native language ng iyong customer ay siguradong makakataas ng response rate at maipapakita nito na ginagalang mo ang kanilang pagkatao.

CSAT (Customer Satisfaction Score) Included

Ang CSAT ang nagpepresenta ng puntos sa pagitan ng 1 at 5 upang mas maunawaan ang pangkalahatang kalidad ng trabaho. Kung kaya, ang manager at ang mga authorized team members ay magagawang suriin at kontrolin ang bawat pangkat (waiters, kitchen, administration, cleaning service etc.) sa pangkalahatang tagumpay ng establishment.


Full-value survey tool account ay kasama din.

Ang mga customer survey ay isang mahalagang parte ng anumang mga aktibidad. Gayunpaman, kung nais mong makontrol ang employee satisfaction, halimbawa nito, subukan ang bagong menu bago ito ipresenta sa publiko, ang Examinare Survey Tool, ay kabilang sa lahat ng mga accounts ng Food Evaluator.

Survey Invites sending sa pamamagitan ng Email o SMS.

Maaari kang pumili sa kung anumang klaseng paraan ang nais mo sa komunikasyon sa pagitan ng customer mo o kaya maaari mong piliin ang dalawa. Ang problema pag nakasagot ng dalawang beses ay hindi kasali, dahil ang Food Evaluator ay awtomatikong magdedeactivate ng parallel link pagkatapos matanggap ang mga sagot ng respondent.

Mabilis at madali na Registration Form.

Ginawa namin ang form sa pagrehistro ng mga customer sa paraan na hindi aabot sa higit pa sa 20 na segundo. Kung kaya ang proseso nito ay walang nasasayang na oras. Ang mga reminders nito ay awtomatiko.

Integrasyon sa iyong administration program at survey automation.

Ang Food Evaluator ay makakapagbigay ng buong integrasyon sa iyong administration system. Isasagawa namin ang pagpapatupad nito kung sakaling pipiliin mo ito. Sa paraang ito, ang mga survey ay awtomatikong kokonekta sa system at organisadong masend ang proseso ng survey kahit walang mga empleyado.

Pagsusuri ng mga datos sa real time at result report generation.

Ang lahat ng mga resulta na pumupunta sa Food Evaluator ay sinusuri at agad itong ipinapakita sa loob ng dashboard. Maaari mong i-filter ang mga ito ayon sa petsa, staff shift, at iba pa, o kaya maaari mo din basahin ang mga sagot ng indibidwal sa detalyadong pamamaraan. Ang mga daily report ay madedeliver sa iyong e-mail o sa Gadgets app.


Subaybayan ang mga pag-uugali ng mga empleyado at antas ng serbisyo sa lahat ng aspeto.

Ang isang food establishment ay binubuo ng mga iba’t ibang klase ng empleyado at ito ay bumubuo ng isang grupo o team na siyang magrerepresenta sa iyong negosyo. Mga problema, mga hindi pagkakaunawaan, at ang mga pinagwalang bahala na mga patakaran ay maaaring makaimpluwensiya sa customer service and sa pangkalahatang impresyon. Hindi din namin nabanggit ang mga hirap sa pag-interact ng mga customers, na mayroong mga bad mood, mga negatibong pag-uugali, o kaya ang mga namisinterpret na pakikitungo. Tamang pagdidisiplina o dagdag na training ay isang epektibong paraan, pero kalian ba sila dapat bigyan ng aksyon?

Ang Food Evaluator ay isang oportunidad para marinig mo ang panig na hindi mo na kailangan imbitahin at panayamin sa opisina. Sa tulong ng mga kaukulang katanungan, ang mga sagot na nakolekta ng system ay aayusin at irerepresenta sa mas maliwanag at maayos na paraan, makikita mo ang mas malawak na larawan ng serbisyo sa iyong establishment. Sa sandaling pag-avail mo sa Food Evaluator, makikita mo agad ang epekto nito sa daily statistics kung gaano kasaya ang iyong mga customers sa mga serbisyo na ibinigay sa kanila ng iyong mga empleyado, at kung ano pang mga trabaho ang pwedeng bigyan ng atensyon at pagbabago para sa ikauunlad nito.


Tingnan ang mga pananaw ng mga customer sa iyong food establishment.

Ang lahat ng mga establishment ay kinakailangang magbigay sa customer ng satisfaction. Ito ang mga pangangailangan sa pagcomfort, kalmado at magiliw makitungo. Subalit, kapag may mga pagbabago sa pamantayan, ang mga empleyado ay nagbabago din. Ang buhay ay hindi mananatiling pareho, ang mga nakagawiang pamantayan ay hindi maiiwasang magbago at minsan ito ay hindi na mababawi. Ang pagpapanatili sa pagbigay ng satisfaction sa customer ay magbibigay ng kontroladong mga kalakaran at naiiwasan ang anumang mga hindi napapanahong pagbabago.

Ang komunikasyon ay isang paraan upang magka-usap ang mga tao. Ito ay nakakatulong hindi lamang sa pag-intindi sa isa’t isa, kundi ito ay nagpapakita din na ikaw ay may malasakit sa nararamdaman sa iyong mga customer at gawin mo ang lahat para mapanatili silang masaya sa iyo. Ang mga propesyonal na survey sa likod ng Food Evaluator ay ino-ogranisa sa pinaka-mainam na paraan para sa iyong food establishment (sa interes o sa pamamagitan ng email/smartphone) magsasagawa ng regular na evaluation sa kalidad ng mga pagkainat inumin, mga serbisyo, kalinisan, musika, at pangkalahatan sa lugar. Ang pagkakaroon ng isang napakahalagang impormasyon sa iyong kamay, magagawa mong ibigay sa customer ang mga serbisyong nais nilang makita, hindi masasayang ang pera sa mga aspetong hindi mahalaga sa kanila.

Tandaan na ang isang malaking kalamangan at benepisyo sa paggamit ng Food Evaluator, ay ikaw lamang ang nagmamay-ari ng mga pananaw at opinyon ng iyong customer kumpara sa ibang paraan ng pagbibigay ng feedback, gaya ng pagpost ng review sa publiko na maaaring gamitin ng kakumpitensya ang mga impormasyong ito.


Kunin ang iyong survey batay sa inihanda ng mga propesyonal sa industriya.

Ang tamang haba ng survey, mga katanungan, pagiging kumplikado, ang pagpapatupad ay isang mahalagan epekto sa pagiging maaasahan ng mga karagdagang resulta, at ang tamang pagsusuri ay magagamit sa pag-unlad ng iyong negosyo. Kasama namin dito ay ang mga propesyonal at eksperto sa serbisyo ng Food Evaluator. Ang oras ay mahalaga sa amin at wala kaming sinasayang na oras para lang subokin dahil maaari pa itong magdulot ng mga karagdagan pang kamalian. Sa tulong ng aming mga eksperto, siguradong makakamit mo ang feedback na magbibigay ng madami at mataas na kalidad. Pagkatapos nilang magsagawa ng interview sa iyo, ay mag-uumpisa na silang magplano, maghanda ng mainam na survey at kanila itong ipapaliwanag sa iyo kung paano suriin at i-interpret ang mga natanggap na mga resulta sa tamang paraan.

Tandaan na ang lahat ng mga interview na isinagawa ng aming mga survey professionals kasama ang isa sa iyong mga representante at lahat ng mga datos na natanggap namin ay mahigpit na pinanghahawakan ayon sa Non-Disclosure Guidelines o NDA na pareho nating pipirmahan. Walang pagkakataon na kami ay magbibigay ng gagamitin mong templates na eksaktong ginamit na ng ibang food establishments. Natatangi para sa amin ang lahat ng aming mga customer.


Seguridad at Integridad.


Inaalagaan namin ng mabuti ang mga natanggap na feedback. Ang aming mga system ay makabago at high-tech na SSL encryption at ito ay pinangangasiwaan sa ligtas na datacenters. Subalit, hindi lamang ito nagtatapos ang aming mga serbisyo. Kung nais mong mabawasan ang access sa iyong admin area ng iyong Food Evaluator system, maaari din kaming magdagdag ng IP blocking sa iyong account.

  • SSL encryption;
  • IP blocking sa iyong administration account;
  • Ligtas na datacenters na may 24/7 surveillance;
  • May Backup kada oras kung sakaling may mabura ka na gusto mong maibalik.
  • Mga Server na para lamang sa mga customer ng Examinare*.
  • Kami ay bumuo ng Food Evaluator sa loob ng Examinare hosting framework, na gumagana ayon sa mas mataas na security standards.
  • Ito ay binubuo unang-una sa Europe, ngunit mayroon itong posibilidad na magstore ng data sa USA, Russia o Singapore/Asia.

* Ang Food Evaluator ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Examinare AB, Swedish Market Research Company.

Magbasa pa

GDPR at Privacy Shield.


Kapag ikaw ay naging customer na namin, pipirma tayo ng isang "Personal Data Assistant Agreement" na lahat ng iyong mga datos na nasa iyong account ay pinanghahawakan ayon sa mga alituntunin ng GDPR. Ito ay maaari mong basahin dito.

Magbasa pa
Price Quotation

Price Quotation

Alamin kung paano ka matutulongan ng Examinare! Ang isa sa aming mga eksperto sa Examinare ay makikipag-ugnay sa iyo para ipaliwanag at talakayin ang iyong mga kailangan at kung paano ka makakabenepisyo sa Examinare Solutions.

Fill-upan ang form at kokontakin ka namin maya-maya.


Kumpanya *

Pangalan *

Telepono (halimbawa: +46700000000) *

E-mail *

Ilarawan ang serbisyo na gusto mong ipagkaloob namin.
(After the email has been received you can upload files to the ticket email being created.)

Tinatayang Badyet
(Approximate number with currency) *

Anti-Spam na Tanong.

9+9= *

Newsletters from Examinare

Pinagkakatiwalaan sa Buong Mundo

Food Evaluator - Balita

Paano ma-automize ang pagkolekta ng customer feedback sa mga food establishment?

Ang oras ay hindi mabibili ng salapi, lalo na ang oras ng paglilingkod sa mga tao o pagkuha ng kanilang pansin. Ito ay hindi laging madali at naaangkop upang makaabala ang mga ito mula sa paggastos ng...

Magbasa pa

Paano susukatin ang customer satisfaction sa pizzerias

Ang lutuing Italyano ay popular sa buong mundo, kaya't hindi nakakagulat na ang pizza ay naging isang mahalagang bahagi ng kultura ng restawran. Gayunpaman, ang laganap na katanyagan ay nangangahulugan...

Magbasa pa

Mga pinakamainam na paraan upang mangolekta ng feedback ng customer sa Mga Fast Food Restaurant

Ngayon ang feedback ng customer ay isang mahalagang bahagi ng mga aktibidad sa marketing sa kalakalan ng fast food restawran. Mahahalagang pananaw na natanggap mula sa totoong mga kliyente at naglalarawan...

Magbasa pa

Gusto mo bang malaman kung paano kumolekta ng feedback gaya ng isang pro?

Mag-subscribe sa aming newsletter at palaging antabayanan ang aming mga pinakabagong ginawang survey, distribusyon at mga analysis technique.