Examinare Clinic Evaluator

Ang Examinare Clinic Evaluator ay tutulongan ka na ma-improve ang kanilang komunikasyon sa kanilang mga pasyente at mas mag increase ang bisa ng pagtatrabaho. 

Sa Clinic Evaluator, ang mga manager ay may kakahayang imaintain ang patient satisfaction at ang kalidad ng serbisyo.


Ang aming mga customer ay ang mga Private Clinics, Dental Clinics, Veterinary Clinics, Chiropractic Clinics at iba pang uri ng mga klinika.

Mabawasan ang bali-balita tungkol sa iyong negosyo.
Ang iyong mga pasyente ay may kakayahang ibahagi ang kanilang pananaw at ipahayag nang direkta ang kanilang mga hindi gusto sa iyong serbisyo, imbes na ipost nila itong negatibong impormasyon sa internet. Ito ay mabisang paraan upang ang pasyente na may negatibong karanasan ay maging isang tapat na tagahanga sa iyong serbisyo kaysa sa maghanap na naman ng panibagong pasyente.
Masubaybayan ang performance ng mga empleyado.
Sa aming natatanging system, maaari mong masubaybayan ang performance ng iyong empleyado sa pamamagitan ng pakikinig sa mga customer. Sa tuwing ang recipient ay nagparegister sa Clinic Evaluator, siya ay konektado sa lahat ng mga empleyado na nagtatrabaho sa mga pasyente. Samakatuwid, ang mga kasagutan nila ay magrereflect kung anong kalidad ang binibigay na serbisyo ng mga empleyado mo at kung paano sila pinapakitutungohan nito.
Propesyonal, kanya-kanyang paggawa ng mga survey.
Hindi kami gumagamit ng templates, sa Clinic Evaluator, ang isang certified survey professional ang gagawa ng survey questions para sa iyo, ang mensahe ng pag-imbita at ang pag-adjust ng disenyo ayon sa corporate style na nababagay sa iyong klinika.

Mga Pangunahing Dahilan upang gumamit ng Clinic Evaluator


Seguridad

Kami ay bumuo ng Clinic Evaluator sa loob ng Examinare framework, na gumagana ayon sa mas mataas na security standard kaysa sa isang karaniwang paghost ng isang web. 

Ito ay binubuo unang-una sa Europe, ngunit mayroon itong posibilidad na magstore ng data sa USA, Russia o Singapore/Asia.

GDPR Compatible

Sa lahat ng aming mga bagong customer, kami ay magsa-sign ng Personal Data Assistant Agreement, upang ang lahat ng mga impormasyon, na nasa loob ng iyong account ay iniingatan alinsunod sa guidelines ng GDPR.

Nagtataglay ng Maraming Wika

Sa ngayon, ang aming serbisyo ay mayroon nang hawak na mahigit sa 35 na wika at ito ay maaari pang madagdagan depende sa iyong request. Awtomatik na ma-send ang survey sa native na wika ng iyong pasyente at siguradong mas magiging malapit kayo sa kanila, at dahil dito, makakatanggap ka ng mas tapat na feedback.

Built-in VAS-scale (Visual Analogue Scale)

Ang VAS-scale ay isang natatanging tampok sa Clinic Evaluator. Ito ay isang self-report measure na bumubuo ng 10 bullet points, bawat isa na kumakatawan sa isang matinding sakit. Ang pasyente ay magbibigay ng lebel ng sakit, at makukumpara ito sa sakit na naramdaman niya pagkatapos ng treatment sa iyong klinika.

Propesyonal na survey tool para sa mga kailangan mo sa pagsasaliksik

Kahit anumang uri ng pagsasaliksik ang gusto mong gamitin; maging sa healthcare evaluation, sa business processes assessment, health insurance o loyalty survey, ang Clinic Evaluator ay nag-iisa lamang na susi at paraan sa larangan ng feedback sa buong mundo. Dedicated Examinare Survey Tool account ay kasali sa iyong kontrata.

Survey Invites by SMS, E-mail o Tablet.

Ang aming serbisyo ay nagpapadala ng mga imbitasyon  sa pamamagitan ng SMS o text at e-mail. Kapag ang customer mo ay sumagot sa pamamagitan ng telepono, ang e-mail survey link ay awtomatikong ma-eexpire. Walang problema pag nakasagot ng dalawang beses. Bilang karagdagan, pwede mo ma-activate ang mga sagot sa device option at ma-gather ang feedback ng pasyente sa tablet na konektado direkta sa iyong klinika.

Madali at mabilis na paggamit ng Reception Form.

Dahil sa espesyal at natatanging kapasidad ng aming Reception Form of Clinic Evaluator, ang iyong administration staff ay makakapagregister ng pasyente sa isang survey na madedeliver agad sa isang iglap lamang. Ang prosesong ito ay hindi tatagal sa 15 na segundo.

Integrasyon at awtomasyon

Nagtatrabaho kami sa iba’t ibang lawak at uri ng klinika, kung kaya mayroon na agad kaming mga integrasyon at function sa Clinic Evaluator para sa iyong system o kung nais mong magpagawa ng panibagong integrasyon sa amin.

Real-time analysis and custom report generation.

Pagkatapos sumagot ng pasyente sa iyong mga katanungan, ang Clinic Evaluator ay sandaling masusuri agad ang natanggap na datos at madidisplay ito agad sa iyong account. Maaari mong isaayos ang mga resulta batay sa petsa, staff, wika, at iba pa. Maaari mo din suriin ang mga sagot ng indibidwal sa detalyadong pamamaraan. Ang mga daily report ay madedeliver sa iyong e-mail. 


Mga Pananaw ng iyong mga pasyente.

Nais lang namin ipaalam na hindi uunlad ang isang bagay na kailanman hindi sinusukat. Ang Clinic Evaluator ay hindi lamang isang puraan upang marinig ang mga nais sabihin ng mga pasyente, ito din ay nagbubukas sa mga bagay namay kinalaman sa iba’t ibang uri ng sesyon na ginagawa sa iyong klinika at masubaybayan sila araw-araw, at pagkakaroon ng permanente at kontroladong satisfaction ng mga pasyente. Ito ay isang oportunidad para makakuha ng mga napakahalagang pananaw, na maaaring mawala, dahil lang sa walang nagtatanong nito sa kanila.

Sa aming natatanging system, maaari mong masubaybayan ang performance ng iyong empleyado sa pamamagitan ng pakikinig sa mga customer. Sa tuwing ang recipient ay nagparegister sa Clinic Evaluator, siya ay konektado sa lahat ng mga empleyado na nagtatrabaho sa mga pasyente. Samakatuwid, ang mga kasagutan nila ay magrereflect kung anong kalidad ang binibigay na serbisyo ng mga empleyado mo at kung paano sila pinapakitutungohan nito.

Bilang karagdagan, dahil sa paggamit ng VAS Scale, ang Clinic Evaluator ay ang nag-iisang system na kalkulahin ang pagkalunas ng sakit sa pasyente. Kakalkulahin ito kung gaano kalawak ang nawalang sakit na naramdaman ng pasyente ngayon kumpara noong bago pa siya dumating sa iyong klinika. Ang VAS Scale ay maaari tanggalin, kung karamihan sa mga pasyente ay hindi kinakailangan ang paraan na ito.


Mahalaga ang pagkontrol ng mga bali-balita para sa anumang klinika.

Alam mo ba na napakadaling lutasin ang mga problema kapag ito ay mananatili lamang sa loob ng iyong ogranisasyon. Kaysa sa isang maliit na problema at hindi pagkakaintindihan na maaaring ipost sa internet at magiging viral ito sa publiko, siguradong makakasira ito sa reputasyon ng negosyo, dahil karamihan sa mga tao ay mas nakikita nila ang negatibong puna kaysa sa mga positibong nagawa.

Kilala ang ganitong mga tactic sa ganitong klaseng kompetisyon, na mag-iiwan ng mga hindi kanais-nais na mga review sa mga pampublikong site. Ang problema nito ay mahirap kilalanin ang katotohanan sa likod ng mga review na ito, halo-halo ang mga komento, mayroong peke at totoo. Sa Clinic Evaluator, ikaw lamang ang may hawak ng mga feedback ng iyong mga pasyente, hindi ang mga publiko o mga kalaban, sa pamamagitan ng mga datos na natanggap mo sa system, ito ay agad na maayos dahil ikaw ay may sapat na detalye ng iyong mga pasyente.


Ang mga propesyonal lamang, kanya-kanyang paggawa ng mga survey.

Ang aming serbisyo ay tumutulong sa pag construct at pagdesign batay sa gusto ng aming mga customer at ito ay ginawa ng aming mga eksperto na certified professionals. Hindi mo na kinakailangan na pag-aralan ang aming survey tool, o ang pagpaplano sa pagconstruct ng maayos na katanungan, o ang paggawa ng magandang mensahe sa pag-imbita ng mga pasyente para sagutin ang mga katanungan. Sabihin mo lang sa amin kung anong mga hamon at layunin ang nararanasan mo sa klinik at kami na ang bahala na gumawa at mag-ayos sa pinakamainam na paraan batay sa aming malawak at ekspertong karanasan sa larangan ng medical.

Gumawa kami ng epektibong proseso, kung saan ang mga propesyonal ay magsasagawa ng interview sa iyo, at gagawa ng survey para sa pasyente batay sa gusto mong layunin sa iyong klinika. Ang mga panayam at lahat ng mga datos na ay pinangangasiwaan sa ilalim ng isang mahigpit na non-disclosure agreement (NDA) o kumpidensyal na kasunduan at kasamang pipirmahan natin.


Seguridad at Integridad.


Inaalagaan namin ng mabuti ang mga natanggap na feedback. Ang aming mga system ay makabago at high-tech na SSL encryption at ito ay pinangangasiwaan sa ligtas na datacenters. Subalit, hindi lamang ito nagtatapos ang aming mga serbisyo. Kung nais mong mabawasan ang access sa iyong admin area, maaari din kaming magdagdag ng IP blocking sa iyong account.

  • SSL encryption;
  • IP blocking sa iyong administration account;
  • Ligtas na datacenters na may 24/7 surveillance;
  • May Backup kada oras kung sakaling may mabura ka na gusto mong maibalik.
  • Mga Server na para lamang sa mga customer ng Examinare*.
  • Kami ay bumuo ng Clinic Evaluator sa loob ng Examinare hosting framework, na gumagana ayon sa mas mataas na security standard kaysa sa isang karaniwang paghost ng isang web.
  • Ito ay binubuo unang-una sa Europe, ngunit mayroon itong posibilidad na magstore ng data sa USA, Russia o Singapore/Asia.

* Ang Clinic Evaluator ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Examinare AB, Swedish Market Research Company.

Magbasa pa

GDPR at Privacy Shield.


Kapag ikaw ay naging customer na namin, pipirma tayo ng isang "Personal Data Assistant Agreement" na lahat ng iyong mga datos na nasa iyong account ay pinangangasiwaan batay sa mga alituntunin ng GDPR. Ito ay maaari mong basahin dito. Maaari mo din basahin ang tungkol sa patuloy naming paghawak ng isang security work sa aming site para sa "Integridad at Seguridad".

Magbasa pa
Price Quotation

Price Quotation

Alamin kung paano ka matutulongan ng Examinare! Ang isa sa aming mga eksperto sa Examinare ay makikipag-ugnayan sa iyo maya-maya para ipaliwanag at talakayin ang iyong mga kailangan at kung paano ka makakabenepisyo sa Examinare Solutions.

Fill-upan ang form at kokontakin ka namin maya-maya.


Kumpanya *

Pangalan *

Telepono (halimbawa: +46700000000) *

E-mail *

Ilarawan ang serbisyo na gusto mong ipagkaloob namin.
(After the email has been received you can upload files to the ticket email being created.)

Tinatayang Badyet
(Approximate number with currency) *

Anti-Spam na Tanong.

9+3= *

Newsletters from Examinare

Pinagkakatiwalaan sa Buong Mundo

Clinic Evaluator - Balita

Gusto mo bang malaman kung paano kumolekta ng feedback gaya ng isang pro?

Mag-subscribe sa aming newsletter at palaging antabayanan ang aming mga pinakabagong ginawang survey, distribusyon at mga analysis technique.