Anong Katanungan ang iyong itatanong sa iyong Customer Survey?

2021-12-02

Madalas kaming nakakatanggap ng mga katanungan mula sa customer at mga prospects, kung ano ang mga katanungan ang dapat nilang itanong sa customer surveys? Ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang ay tinatanong mo ang customer na may pangunahing target upang mapanatili silang nasisiyahan sa serbisyo.

Tiyak na ayaw mong gumamit ng tanong na walang katuturan tulad ng, "Ilang taon kana?", "Ikaw ba ay lalaki o babae".

Sa tanong na ito ipinapakita mo lang na wala kang panahon upang gawin ang panananaliksik o i-import ang data sa iyong Survey Tool. Gamit ang impormasyon na naglalaman ng iyong CRM system, maaari mong i-import ang impormasyon sa background na ito sa iyong account sa Examinare.

Anu-ano ang mga katanungan ang dapat mong itanong sa iyong customer survey?

Una sa lahat, dapat mong tandaan na huwag magtanong sa mga nangungunang katanungan. Kung gumagamit ka ng mga nangungunang katanungan sa iyong customer survey, makakakuha ka lang ng mga maling impormasyon na iyong tatrabahu-in. Ang pinakamasama, hindi mo magagamit ang mga resulta. Ang pinakamagandang paraan ay diretsong pagtatanong tulad ng:

Hanggang saan ka gaanong nasisiyahan sa aming serbisyo?
- Sobrang nasisiyahan
- Nasisiyahan
- Di nasisiyahan
- Sobrang di nasisiyahan

Karaniwang naming pinapayo na gamitin ang 4-punto o 6-punto na proporsyon kapag lumikha ng isang customer survey. Sa kasong ito, ang customer ay hindi maaaring magbigay ng katamtamang marka ngunit ay mapipilitang makakakuha ng panig. 

Kailan ang tamang panahon upang tanungin ang customer?

Magkaiba ang negosyo at serbisyo, ngunit may mga karaniwang sitwasyon tulad ng:

- Pagtugon bago mag-order
- Paghatid ng katugunan
- Suriin ang solusyon ng teknikal na pag troubleshoot/support issues
- Pagsusuri sa halaga ng produkto
- Humihingi ng mga rekomendasyon

Humingi ng mga rekomendasyon

Karamihan sa mga uri ng tanong na ito ay mga karaniwan lamang, gayunpaman, para sa ilang mga kumpanya na nagtatanong tungkol sa mga rekomendasyon, ito ay isang bagong bagay. Sa pamamagitan nito, ang nais naming itanong ay ang mga sumusunod:

Irerekomenda mo ba ang survey tool ng Examinare sa ibang negosyo?
- Oo, ng walang pasubali!
- Marahil, kung may marinig ako na may taong naghahanap ng ganito.
- Hindi

Ang tanong na ito ay mayroong tatlong antas, ngunit mayroon itong dalawang positibong antas sa layunin. Gusto mo malaman kung gaano karami ang mga kostumer ang "mapagmataas" upang gamitin ang iyong serbisyo.

Lahat ng Kumpanya ay magkaiba.

At dahil ang bawat kumpanya ay may iba't ibang pangangailangan pagdating sa customer surveys, inirerekumenda namin ang aming mga survey consultants. Tutulungan ka naming mabuo ang tamang tanong at lumikha ng customer surveys nang direkta sa loob ng iyong account sa Examinare. Makipag-ugnayan sa amin sa iyong susunod na customer survey, at tutulungan ka rin namin sa iyong mga tanong.

This article is about our Business Services.
Read more on how we can help you.

Magbasa pa

Making-ugnayan sa Examinare

+46855926800


Price Quotation

Price Quotation

Alamin kung paano ka matutulongan ng Examinare! Ang isa sa aming mga eksperto sa Examinare ay makikipag-ugnay sa iyo para ipaliwanag at talakayin ang iyong mga kailangan at kung paano ka makakabenepisyo sa Examinare Solutions.

Fill-upan ang form at kokontakin ka namin maya-maya.


Kumpanya *

Pangalan *

Telepono (halimbawa: +46700000000) *

E-mail *

Ilarawan ang serbisyo na gusto mong ipagkaloob namin.
(After the email has been received you can upload files to the ticket email being created.)

Tinatayang Badyet
(Approximate number with currency) *

Anti-Spam na Tanong.

3+8= *

Newsletters from Examinare