Bagong Disenyo at mga bagong serbisyo – Maligayang 2021!

2021-01-01

Tayong lahat ay humarap sa isang malaking pagsubok sa taong 2020, ang Corona virus ay nag-iwan ng isang masalimuot na kasaysayan na nakaapekto sa larangan ng negosyo, nagbawas at nagpahinto ito ng mga malalaking operasyon sa ibang negosyo.

Kami dito sa Examinare, ay nagsimulang gumawa ulit ng mga makabagong disenyo bandang Marso noong 2020, upang matulongan muli ang mga negosyo sa makabagong paraan. Ako, si Daniel Kroon, ay mayroong matibay at matagal na karanasan sa Ecommerce at Examinare. Ang pag alam ng mga dahilan kung bakit ang ibang mga customer ay pabalik-balik sa pag order at ang iba naman ay hindi na umulit, ay isang importanteng bagay na dapat tutokan. 

Ang E-commerce ay isang Paraan sa Hinaharap para sa mga Negosyo ngayong 2021.

Maraming mga kumpanya noong 2020 ay nagsimulang magbenta online at ang ilan ay pumasok sa mundo ng E-commerce. Mayroon din kaming mga consultants na may malaking kaalaman sa Prestashop at Magento, maliban pa dito, nakikipagtulongan din kami sa iilang mga world-class International Agencies at Consultancies sa matagal na panahon. Nagpasya kaming pumasok sa E-commerce sa pamamagitan ng pagtulong na makapagsimulang gumawa ng bagong webshops o website sa negosyo mong matagal mo nang gusto palaguin. Ang SpiderX CMS na matagal na naming minamarket ay nagbigay ng sobrang laking tulong sa loob ng mahabang panahon. Sa bago nitong bersyon, mayroon kaming mga natatanging tools upang makagawa ng iyong website kasama ang Examinare na may kakayahang mag optimize hindi lamang sa bawat device, kundi pati na rin para sa mga alituntunin sa disenyo ng iyong kumpanya.

Ang Delivery Evaluator ay Tumutulong sa Feedback Loop para sa mga Negosyo noong 2020.

Ang Delivery Evaluator ay isang produkto ng Examinare mula pa noong taong 2016. Sa taong 2020, nagkaroon kami ng malaking interes para sa isang napakadaling tool upang ma-follow up ang mga benta ng E-commerce, samakatuwid, maraming dumagsa sa aming serbisyo sa Delivery Evaluator. Ngayong 2021, ang hakbang namin sa unang bahagi ng Q3, maglalabas kami ng panibagong interface at mobile app.

Examinare Survey Tool at ang Bagong Website.

Sa pagsign up ng mga customers sa serbisyo, kami dito sa Examinare ay nagbibigay ng isang mahusay na serbisyo at mas itataas namin lalo ang aming pagganyak upang mapabago ang Website at lahat ng mga Pangkat ng disenyo ng Examinare. Aming naramdaman kalaunan na kailangan naming maging mas mahusay sa ilang mga antas upang mabigyan ng pinakamainam na serbisyo ang Examinare Survey Tool at ang Examinare Services, kaya't ito ang dahilan kung bakit nagsimula kami ng isang bagong pagbabago sa Web noong unang bahagi ng 2020 nang magsimula ang pandemya. Sa Q1 ng 2021, magkakaroon kami ng mga higit pang mga tip at trick na magagamit para sa iyong mga customer tungkol sa lahat ng aming mga tool.

Ang isang bagong disenyo ng Examinare Survey Tool ay darating Q3 2021 na may mas pinahusay na nabigasyon at mas mobile-friendly na disenyo para sa Admin-area. 

Mga Salita mula kay Daniel Kroon, ang CEO ng Examinare.

Hinahangad ko na ang lahat ay magkakaroon ng magandang simula sa 2021, kung saan inaasahan namin ang pagwawakas ng Epekto ng Corona Virus, marahil hindi ang virus, kundi epekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Inaasahan ko na ang 2021 ay magdadala ng ngiti sa aking mukha. Lahat ng bago ay palaging isang dahilan upang ngumiti, humarap sa panibagong yugto, at mas maging masigla. Kita kits sa 2021.




Price Quotation

Price Quotation

Alamin kung paano ka matutulongan ng Examinare! Ang isa sa aming mga eksperto sa Examinare ay makikipag-ugnay sa iyo para ipaliwanag at talakayin ang iyong mga kailangan at kung paano ka makakabenepisyo sa Examinare Solutions.

Fill-upan ang form at kokontakin ka namin maya-maya.


Kumpanya *

Pangalan *

Telepono (halimbawa: +46700000000) *

E-mail *

Ilarawan ang serbisyo na gusto mong ipagkaloob namin. <small>(After the email has been received you can upload files to the ticket email being created.)</small>

Tinatayang Badyet <small> (Approximate number with currency)</small> *

Anti-Spam na Tanong.

3+6= *

Newsletters from Examinare